Thursday, October 18, 2007

This Girl's Inlove With You, Pare (chapter 3 prt.2)

***nga pala, ang kuwentong ito ay nangyari even before Jersey and Marx got together. ibig sabihin, nauna ang kwuento nina Christian at Andi before ung kweunto nina Marx at Jersey...kya makikita ninyo rito na hindi pa magkasundo ang dalawang nabanggit....



“YOU SCREAM like a girl.”
“Thank you.”
After the initial shock, magkaharap na sila ngayon ni Christian sa kitchen table at pinagsasaluhan ang pagkaing nahalungkat nila sa refrigerator.
“Grabe, hindi kita nakilala, ah. Anong ginawa mo sa sarili mo, ha, Christian?”
“Ewan ko. Nag-evolved?” pabiro pa nitong wika. “Ikaw? Anong ginawa mo sa sarili mo at nagmukha ka ng babae?”
“Heh! Sabunutan kita riyan, eh. Palibhasa guwaping ka na ngayon kaya kung laitin mo ako, ganun-ganun na lang.”
“Kailan ba kita pinuri—Aray!” Nakatikim na talaga ito ng pinong kurot sa kanya. “Aray naman!”
“Okay lang iyan.” Tinawanan lang niya ito at saka hinila ang braso upang panggigilan. “Mabuti naman at marunong ka pa ring mag-Tagalog. Kung hindi ay baka sinipa na kita palabas.”
Natatawa na lang itong napailing. “Ikaw talaga, Andi. Hanggang ngayon ba’y si Baby Ama pa rin ang idol mo?”
“At ikaw, si Madonna pa rin ba ang favorite role model mo?”
“Nah.”
Pinagmasdan lang niya ito nang lumagok ito ng tubig. Hindi talaga niya kayang pigilan ang sariling sundan ang lahat ng kilos nito. Iba na nga ang itsura nito. His amazing goodlooks flourished even more through the years. And he seemed at ease now with himself, even confident of his looks and disposition in life. Kung hindi lang siguro niya ito kilala, baka hindi lang isang major crush ang tumama sa kanya.
Baka nga ma-inlove pa siya rito.
“Siyanga pala, pasensiya ka na kung nagulat kita kanina. Tumawag ako rito kahapon para ipaalam ang pagdating ko ngayon. At sinabi nila na ikaw na nga lang daw ang bahalang sunduin ako sa airport.”
“Pero wala namang nababanggit sa akin si Kuya tungkol sa pagdating mo.”
“Actually, ni-request ko talaga sa kanila na huwag ipaalam sa iyo kung sino ang susunduin mo sa airport. I wanted to surprise you.”
“Well, you succeeded.”
“And again, I really am sorry.”
“Kung ganon, hinintay mo pa rin ako sa airport?”
“Oo, kaya ginabi na ako.”
She gave him an apologetic smile. “Pasensiya ka na talaga. Hamo, pagdating nina Kuya, kakastiguhin ko sila.”
“Its okay. May kasalanan din naman ako.”
“Hindi. Kasalanan ito lahat ng mag-asawang iyon dahil kinalimutan nilang sabihin sa akin na may susunduin pala ako sa airport.” Tumango lang ito bilang pagsang-ayon. “Well, anyway, mabuti na lang at nakarating ka naman dito nang walang anomang aberya, still alive and kicking.”
He chuckled. Itinukod niya ang siko sa mesa saka lantaran itong pinagmasdan. Hindi talaga siya nagsasawang pagmasdan ang mukhang iyon.
“Why do you keep looking at me like that, Andi?”
“Nothing. I’m just glad na hindi ka pa rin nagbabago.”
“What do you mean?”
“Look at you. You’re totally hot and yet you’re still…you. Kung naging totoong lalaki ka lang, siguradong hindi na kita lalapitan dahil sa dami ng babaeng nakapaligid sa iyo.”
“Bakit naman? We’re friends, aren’t we?”
“Oo nga. Pero alam ko naman na makakalimutan mo ako sakaling mangyari iyon. Isa pa, baka kaasaran na lang kita. Ang tingin ko kasi sa mga pa-machong lalaki ay ginagawa lang medalya at trophy ang mga babaeng sumasamba sa kanila.”
“That’s really unfair for the straight guys out there.”
“And I really don’t care. I’m just glad you’re not one of them.”
“Uh…huh.” Tahimik na nitong ipinagpatuloy ang pagkain. “Pasalamat ka at gaya pa rin ako ng dati.”
“So, talagang gay pa rin.”
“Oh, yeah.”
Natawa na rin siya kahit wala ni isang katiting na ebidensyang binabae nga ito na di gaya noong una silang magkakilala. Napakarami ng nagbago rito. Now, he talk, walk, dressed and acts like a real guy. Tumayo siya at mahigpit itong niyakap mula sa likod.
“Oh, Christian! I miss you so much!”
Tinapik-tapik nito ang mga braso niyang nakapulupot sa leeg nito. “Get a hold of yourself, Andi. Nakakahiya. Baka isipin ng mga makakakita ng mga tao, patay na patay ka sa akin.”
“At ang arte mo pa rin.” She turned around to face him. Halos dumikit na ang mga labi niya sa pisngi nito. Kaya hinalikan na niya ito. “Welcome back, Christian.”
He looked stunned for a moment and then cleared his throat with that suppressed smile of his. Mabuti na lang at bahagya itong nakabaling sa ibang direksyon dahil kung nagkataong nakaharap ito sa kanya ay siguradong magdidikit na ang kanilang mga labi.
“You better take your arms off me, Andi. Baka tuluyan na akong masakal sa panggigigil mo.”
Mabilis naman niya itong pinakawalan. Nararamdaman na rin kasi niyang nawiwili na siya sa ginagawa kapag nalalapit dito.
“So, may boyfriend ka na ba, ha, Christian? Siguro hearthrob ka na sa Australia, ano?”
“Oh, yeah. I was the hottest piece of meat out there.”
Hottest piece of meat? Natural ba sa mga bading ang magbitiw ng mga ganong salita? Well, how would she know? E, ito lang naman ang binabaeng naging ka-close niya.
“How about you, Andi?” sa wakas ay baling na nito sa kanya. He really looked gorgeous. “Ilan na ang naging girlfriend mo?”
“Hoy, sister, anong palagay mo sa akin, tibo? Excuse me. Hindi ko hahayaang itakwil ng lipunan ang ganda kong ito. Sayang naman ang beauty ko, ‘no?”
“Oo nga.”
“What?”
“Ang sabi ko mali pala ang tanong ko. Okay. How many boyfriends do you have now?”
“Kumain ka na lang.”
“You’re still single?”
“Bakit parang natutuwa ka pa?” Naiinis siya noon sa mga taong nagtataka kung bakit wala pa rin siyang boyfriend sa edad niyang iyon. Pero kay Christian ay hindi niya magawang magalit. “Huwag ka munang magpakasaya dahil isa sa mga araw na ito, magkakaroon na rin ako ng lalaki sa buhay ko.”
“So, wala ka pa ngang boyfriend.”
“You know what? You better cut the interregotion right now. Dahil kapag nainis ako, pa-planuhin ko na ang kamatayan mo. Marami akong alam na lason.”
He leaned back against his seat and laughed. Tila naman musika sa kanyang pandinig ang halakhak nito. At ang kakaibang kislap ng mga mata nito nang mga sandaling iyon ang marahil ay siyang dahilan kung bakit imbes na tuluyang mainis ay natuwa pa siya rito. Matagal-tagal na ring panahon ang nakalipas mula nang huli siyang matuwa nang ganito sa isang lalaki. And it happened to be the same guy.
Napaka-pathetic naman niya. Sa loob ng maraming taon, iisang lalaki lang ang nagustuhan niya? At hindi pa nga tunay na lalaki. Kunsabagay, kumpara naman sa mga lalaking nakilala na niya, sa ugali pa lang ay wala ng panama ang mga ito kay Christian. Sa kaguwapuhan, mahihiya ang mga iyon na dumikit dito.
“I’m so glad I’m back,” wika nito nang sa wakas ay mahimasmasan at bumaling sa kanya. “Na-miss din kita nang husto, Andi.”
And when he looked at her like that, she could feel her heart skipped a beat. Okay, what’s going on here? Normal bang tumibok ng ganito ang puso niya para sa isang dating kaibigan?
“Oh, come on, Andi. Don’t tell me you’re going to cry now.”
Dinampot nito ang tissue sa ibabaw ng mesa at idinampi-dampi iyon sa tenga niya. Malakas niya itong hinampas sa balikat. muli ay natawa lang ito.
“You’re still gross, Christian.”
“It’s a part of being in touch with my, you know, feminine side. Bakit? Ayaw mo ba akong maging ganito?”
“I can’t do anything about your personality. Basta tanggap kita kahit ano ka pa.”
“Kung ganon okay lang sa iyo na maging tunay akong lalaki?”
Natatawa niyang nilamukos ang tissue na naagaw dito. “You don’t have to change for me, Christian. Ganyan ka na nang makilala kita at iyon din ang dahilan kung bakit gustung-gusto kita.”
“You mean, you just like me because I’m gay?”
“Oo naman, ‘no?”
Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang tila nakita ang kalungkutan sa mga mata nito. Subalit agad din iyong naglaho nang mapadako ang tingin nito sa kanya. Man! Look at those eyes! Parang gusto niyang hawiin ang ilang hibla ng buhok nitong bahagyang nakatabon sa mga mata nito upang mas lalo iyong mapagmasdan.
“Ah, e…by the way, hanggang kailan ka mananatili rito sa bansa?”
“Oh, I’m gonna stay here for good. Sawa na akong marinig ang sobrang accent ng mga Aussies. At tsaka nami-miss ko na talaga ang Pilipinas. Hinahanap-hanap ko ang traffic dito. Pansamantala, dito na muna ako kina Ate Sam titigil habang hindi pa ako nakakahanap ng property na mabibili.”
“Umuwi ka lang ng Pilipinas dahil na-miss mo ang traffic? You are so weird.”
“Well, actually, hindi lang naman talaga iyon ang dahilan ko kung bakit ako bumalik.” Then he looked straight at her with that incredible eyes of his.
Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib nang maramdaman na naman ang panibagong dagsa ng kakaibang kaba na iyon. Bakit ba tila sume-segue ang puso niya sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata? Its not as if they haven’t look at each other that way before. In the end, though, minabuti na lang niyang balewalain ang damdaming iyon. Nakakahiya sa kaibigan. Kadarating pa lang, kung ano-ano na ang iniisip niya rito.
And for God’s sake! He’s gay!
“Ako ba ang dahilan mong iyon?” pagbibiro niya.
Simpleng kibit ng balikat lang ang isinagot nito, neither comfirming nor denying her statement. But nevertheless, kinikilig pa rin ang pasaway niyang puso.
“Finish your meal. Ihahanda ko lang ang kuwartong tutulugan mo.”
“Can’t I sleep in your room?”
“You can’t sleep in my room!”
“Why not?” Saglit itong tila nag-isip pa ng dahilan. “Pareho naman tayong babae, ah.”
“That’s really cute, Christian.” Tumawa lang ito. “But no.”
“Takot ako sa dilim.”
“E, di huwag mong patayin ang ilaw.”
“Hindi ako makatulog ng may ilaw.”
“Matulog kang dilat.”
Tumayo na siya upang magtungo sa isa pang guest room bago pa siya ipagkanulo ng estrangherong damdaming iyon dahil sa mga ngiti nito.
“My, my,” sambit niya habang patungo sa isa pang guest room. “I can’t believe your lusting over your gay friend, Andi. Nakakahiya ka.”
Subalit kahit anong gawin niyang saway sa kanyang sarili, hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang mga ngiti, mga tingin at guwapong mukha ng kaibigan. Kunsagabay, wala namang nakakaalam, kunsuwelo na lang niya sa sarili bago hinayaang lunurin siya ng mga alaalang nakakapagbigay ng kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.

This Girl's Inlove With You, Pare (chapter 3 prt.1)

CHAPTER 3

HINDI ALAM ni Andi kung mapapakunot ang noo o ngingiti. Ang maliit na babaeng nasa harap kasi niya ngayon ay tila pinag-aaralan siya nang husto. Hawak nito ang susi ng bahay ng kuya niya na hinihintay niyang ibigay sa kanya.
“Is something wrong?” tanong na niya.
“Ano nga uli ang pangalan mo?”
“Hindi ko pa sinasabi. But I’m Andi, Nathan’s sister.” Ngunit tila wala pa ring rekognasyon sa mga mata nito. Masyado na nga sigurong matagal mula nang huli siyang mapunta sa lugar na ito. “Ikaw si Jersey, hindi ba?”
“Paano mong nalaman? Stalker ka, ‘no?”
Natawa na siya nang tuluyan. “Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Jersey. Weird ka pa rin gaya ng dati. Kumusta na ang paborito mong pet?”
“Pet?”
“Si Marx.”
“Hindi tao, hindi hayop si Marx.”
“Hanggang ngayon ba’y hindi pa rin kayo magkasundo?”
“Papatay na lang ako ng tao.” Sumilay na ang ngiti sa mga labi nito at nababanaag na rin sa mga mata nito na nakikilala na siya. O baka nga nakilala na siya nito kanina at pinagti-trip-an lang siya. “Kumusta, Andi? Ang tagal mong hindi nagpakita rito, ah.”
“Medyo naging busy lang ako sa maraming bagay. Studies and then work. Ikaw?”
“Naging busy din ako sa pagpapatino ng mga baliw sa mundo. I’m a registered nurse at Philippine Mental Health now. So, makikigulo ka na rin dito sa Rancho?”
“Not really. Pinababantayan lang sa akin muna ni Kuya ang bahay nila habang wala sila.”
“Oh, that’s good.” Ibinigay na nito sa kanya ang susi. “Minsan kasi ay napo-possess ang mga bahay dito at naglalakad silang mag-isa kapag walang tao sa loob.”
“Yeah, I heard about it,” pakikisakay na lang niya rito. “Well, its nice seeing you again, Jersey. So, paano, papasok na ako sa loob. Pasensiya na uli sa istorbo, ha?”
“Oh, its okay. Goodnight, Andi. Nice seeing you again. And stay away from Marx. Miyembro iyon ng masamang kulto.”
Iiling-iling na lang siya habang patungo sa bahay ng kanyang kuya. She really can’t believe that woman. Napakaliit na tao pero nuknukan ng kulit. Kaya siguro hindi na nakakapagtakang kahit kailan ay hindi ito nakasundo ng paborito nitong kaaway na si Marx na ang alam niya ay laging dumadayo sa village na iyon para lang asarin ang dalaga.
Pagpasok sa loob ng bahay ay napangiti siya sa sarili nang makita ang kabuuan ng malawak na sala. Wala kasi sa pagkakaayos ang ilang kagamitan doon dala marahil ng pagkakasagi ng kung sino. May ilang mga damit din ng mga bata ang nakasampay sa likod ng sofa. Nag-iwan pa ang makukulit niyang pamangkin ng mga remembrance para sa kanya.
Tahimik na tahimik ang paligid. Kung hindi siya nagkakamali, ngayon na lang uli nakatikim ng katahimikan ang bahay na iyon. Nang binata pa kasi ang kuya niya ay ayaw siya nitong pinapupunta roon dahil ayaw nga nito ng naiistorbo. Ngunit nang makapag-asawa ito at magkapamilya ay pinalakihan nito ang bahay at pinuno iyon ng nakakatuwang ingay. Men can stay inlove with their wives, wika ng kuya niya. Hindi siya gaanong naniniwala sa ideyang iyon pero sa tuwing nakikita niya kung gaano kamahal ng kuya niya ang asawa at mga anak nito, pansamantalang nakakalimutan niya ang pangit na pananaw sa pag-ibig.
Dinampot niya ang mga damit at iniurong ng tuhod ang sofa upang bumalik ito sa dating ayos. Pagkatapos ay nagtungo siya sa back door kung saan naroon ang laundry area ng pamilya. Nang maidispatsa ang mga damit ay nagtungo na siya sa guest room upang makapagpahinga. She really like going to her brother’s house. Nakikita kasi niya sa mga pamangkin ang kakulitang hindi niya napapansin noon sa sarili. Ibinagsak niya sa carpeted floor ang dalang bag at humugot ng damit-pantulog saka nagbihis.
Wala pa siyang balak na matulog kaya kinuha din niya sa bag ang mga business reports na baon upang pag-aralan habang hinihintay na dalawin siya ng antok. Pero hindi pa man siya nag-iinit sa kinauupuan nang maalalang hindi nga pala niya naikandado ang pinto sa sala.
Papers in hand, she walked back to the living room, locked the door, turned around and screamed. Nagulat din yata ang lalaking kaharap niya kaya napasigaw din ito. Naputol lang ang ingay nila nang paluin niya ito ng mga hawak na papel.
“Saklolo! Tulungan ninyo ako may magnanakaw sa loob ng bahay namin!” patuloy niya itong hinampas.
“Aw! Stop it.”
“May addict na magnanakaw dito!” Nahawakan nito ang mga braso niya. “Rapist! Rapist!”
“I said stop it! I’m not a criminal.”
“Kriminal ka!” Tinuhod niya ito sa maselang bahagi ng katawan nito ngunit agad din itong nakalayo. Agad niyang dinampot ang katabing lampshade at iniamba iyon dito. “Marunong akong pumatay ng tao. Huwag mo akong subukan.”
“I’m not a criminal.” Nagpamaywang ito. “I live here.”
“You can’t live here. Because I live here. I mean, my brother lives here. With his family. And I’m a family. You, are you a family?”
“What?”
“Nevermind.” Kahit siya ay parang gustong mapakunot ang noo. Sa sobrang takot ay hindi na niya masundan pa ang logic ng kanyang mga sinabi. Pero hindi na niya iyon inintindi. “Lumayas ka ngayon din kung hindi ay ipapadampot kita sa pulis.”
“I told you—“
“Ah, no. Hindi ka pala puwedeng umalis dahil ipapadampot pa kita sa pulis.”
Dahan-dahan siyang lumapit sa telepono nang hindi inaalis ang tingin sa estranghero. Nang bigla iyong tumunog. Nabitiwan tuloy niya nang wala sa oras ang lampshade. Pero mabilis din siyang dumampot agad ng kapalit. This time, malaking banga na naka-display doon ang natiyempuhan niya. May kabigatan nga lang iyon subalit hindi pa rin niya iyon binitawan.
Dinampot niya ang nag-iingay na telepono. “Hello, kung sino man ang nariyan sa kabilang linya, puwedeng tumawag ka ngayon din ng pulis? May magnanakaw na rapist na addict dito ngayon sa bahay namin.” She was dictating her address when a woman from the other line talked.
“Andi? Si Ate Sam mo ito. Anong nangyayari riyan?”
“Ate Sam! Oh, God! May nakapasok na lalaki rito sa bahay. Magpadala agad kayo ng pulis dito, please.”
“Lalaki? Ang lalaki bang tinutukoy mo ay magaling mag-English?”
“Ewan ko.”
“Guwapo at matangkad?”
She looked at the man. “Well, yes. He’s handsome and tall.” Napangiti ang lalaki. “But that’s not the point.”
“No, that’s not the point because that’s my brother, Andi. Pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sa iyo na darating siya from Australia. Nagkakagulo na kasi ang mga bata kanina kaya nakalimutan ko na ang tungkol doon. Sige, ikaw na ang bahala sa kanya, ha? And, oh, please don’t kill him. Bye.”
Dial tone na lang ang narinig niya nang maputol na ang linya. Ibinaba niya ang telepono at diskumpiyado pa rin nang balingan ang lalaking ngayon ay kakikitaan na ng tila pinipigil na ngiti ang mga labi.
“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?”
“Nothing. Can we talk now?” Iminuwestra nito ang hawak niya. “Minus the jar, that is.”
Pinakawalan na nga niya ang pobreng banga dahil nangangalay na rin ang mga braso niya sa bigat niyon. Subalit dahil wala pa rin siyang tiwala rito ay ang dalawang figurines naman ang pinagdiskitahan niya.
“Kaya ko pa ring pumatay gamit ang mga ito.”
“Yeah, I know.” And then the man smiled at her again.
At dahil ngayon lang niya ito natitigan nang husto nang hindi ito pinagtatangkaang ipadala sa kabilang buhay, napanganga na lamang siya rito. Dear God, sambit niya sa isip. The man was sinfully gorgeous! Pakiramdam niya ay hinigop ng mga ngiting iyon ang lahat ng kasamaan niya sa katawan. And something in his smile reminded her of something from her past. Or someone.
Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi na siya nag-react pa dahil habang patuloy niyang pinagmamasdan ang guwapong mukhang iyon ay tila unti-unti na rin niya itong nakikilala. Subalit nanatiling blangko ang isipan niya sa kung sino nga ang lalaking ito at kung bakit kilala niya ito. Nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay doon lang niya napagtanto kung gaano ito katangkad. At kung gaano kaguwapo ang mukhang iyon.
“Maybe I should just take this before you hurt yourself.”
Hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nitong gawin. Dahil hindi niya maalis ang paningin sa mukhang iyon. Yes, he was indeed gorgeous alright. But there was also something in him that caught her attention.
“Sabi ni Ate Sam, kapatid ka raw niya. Ikaw ba si Kuya Roger?”
“Kuya Roger didn’t leave the country for the last couple of years.” Hinintay pa nitong magkaroon ng kahit kaunting recognition mula sa kanya. nang wala itong makuha ay napabuntunghininga na lamang ito. “You really don’t remember me, do you?”
“Should I?”
Lumapad lamang ang ngiti nito. She could almost swear her heart just skipped a bit.
“We were best buddies before I left the country to take up my college degree in Australia. Still doesn’t ring a bell?”
“Continue,” utos niya.
“I was the love of your life. Back then, that is.”
“Excuse me? I don’t even know you.”
“Oh. Okay.” He cleared his throat, put his hand on his taut hips and gave his other hand an exaggerated flip in the air. Pagkatapos ay pinalamya nito ang boses. “Its me, Andi.”
“Oh, my God!” bulalas na lang niya sabay takip ng mga kamay sa kanyang bibig. She would recognize that chirpy voice anywhere, though it’s a little bit on the husky side. “Christian?!”
“Yes.” Bumalik na ang malalim na tono ng boses nito. “Hello, Andi.”
“Oh, God!” She threw herself at him and gave out a nervous laugh. “Oh, God!”
“Yes, oh, dear God.”

Saturday, September 29, 2007

IMPRESSION ver.2 vol.1 (hehe..epal ako eh)

by Sonia Francesca


Yipeeee!! Ako rin! Ako rin! May sarili rin akong version ng impression ko sa kapwa kong mga prinsesang dukha ng PHR.

Okay...siguro alam na ninyo halos lahat ngayon na pareho kami ng likaw ng bituka ni Sofia sa maraming bagay. Dahil pareho kaming nanggaling sa sinapupunan ng aming sintang paaralan ng PUP (Pila Uli Pila.. joke! hehe). Magkaklase kami mula first year-fourth year sa college of masscommunication. Dati pa man ay napapansin ko na si Jeje (my petname for her). Studious kasi ang bruha. Matalino. lagi lang sila ng mga profs namin ang nag-uusap lalo na sa philosophy at Mga Aral Ni Rizal (anak daw kasi siya ni Rizal). Parang magulo ang mundo ni Jeje kahit di ko pa siya nakakausap noon. lagi kasing magulo ang buhok hehehe. Naalala ko pa nga nang pag-usapan namin siya ng iba naming friend noon (magkaiba kasi kami ng group of friends noon).

"Huwag ninyong lalagyan ng kilay si Jeje. Gaganda iyan. Matatabunan ang ganda natin."


Pero di rin kami nakatiis. Inayusan namin siya. Lumabas ang totoong ganda ng lola nyo dahil noon pa man ay cute na talaga siya. Sabi namin ng mga kaibigan ko, dapat siya na lang ang muse. Kaso mas trip pa ng loka na magpakadalubhasa dahil walang kuwenta raw kaming mga tao. Lukring talaga. Anyway, for me, Sofia is the most intelligent person in the world. Ang dami niyang alam. tuwing nagkukuwentuhan kami ng kung ano-ano, di puwedeng wala siyang masasabi. at di lang iyon basta kuwento. HISTORY ng stoyang iyon ang sasabihin niya. Ganyan siya kagaling. Siya rin ang pinaka-sweet na taong nakilala ko. Lagi siyang may gift sa lahat ng okasyon. o kahit nga wala pang okasyon. basta kapag naisipan niyang magbigay, magbibigay yan. nga lang, iyon e kung may pera siya. pag walang pera iyan, huwag mo siyang kakausapin dahil lalamunin ka niya ng buhay. Mas matanda ako sa kanya pero kung kumilos siya at magsalita, parang siya ang nanay ko. She's very protective of her friends. Pero levelheaded din niya. Sa barkada namin, siya ang voice of reason. Kahit friend ka niya, kung alam niyang mali ka, di ka niya kakampihan. Puwera na lang pag nabuwisit siya sa kinakampihan niya. di ba, je? hehe

Sa pagsusulat, i think siya ang pinakamasipag na nobelistang kilala ko. Napakametikulosa. Lahat ng isinusulat niya, fully-researched ang mga iyon. Kaya walang sinoman ang makakapag-akusa sa kanyang di niya pinaghihirapan ang mga isinusulat niya. Hanga talaga ako sa utak ng batang ito. Ang lalim mag-isip. Kala mo matanda na. Lalo na nang maisulat niya ang minsan kong naging crush na si Rohann. hehehe...


Si Sheena Rose. Hmm, di ko na matandaan kung kailan kami unang nagkita ni Sheena. PEro naalala kong parang nagpapakiramdaman pa kami. Pareho kasi kaming hindi palakibo. mukhang isnabera. Naiilang pa ako noon na makipag-usap noon sa kanya kasi nga parang lagi siyang magagalit sa akin hehhee. Tapos one time, nabanggit namin na trip naming subukan ang mga ginagawa ng characters namin minsan. TApos niyaya ko siyang mag-bowling. Go naman siya. Kain muna kami sa...sa...di ko na matandaan. Pero naalala kong doon ko nalaman ang ilang importanteng bagay tungkol sa kanya. That she came from a family of writers, that she didnt attend any writing workshops to perfect romnce writing at hindi siya nare-reject-an. tinamad na akong mag-english eh. So un. Hanga naman ako. After that bowling incident, feeling ko lnag naman, nagkasundo kami kahit paano ni Sheena. nagbubulungan na kami ng kung ano-anong tsismis pag nagkikita kami sa ofis kasama sina Claudia Santiago at Almira JOse. palibhasa, pare-pareho kami ng kapalaran nyahehehehe!! Malupit ding magbitiw ng one-liner ang bruhang iyan. lalo na sa mga anak ni....ops! secret! hehehe mabagansya kami hehehe. PEro masarap kausap si Sheena. DAming tsismis. And you'll always see when she's happy coz her eyes lit up. Napaka-transparent kasi ng babaeng ito. buti na lang pag nakikita niya ako, ngumingiti siya...


Un lnag po ang masasabi ko sa dalawang ito. sana di rin nila ako ibagansya hehehe.

This Girl's Inlove With You, Pare (prt3)

Again, ipinapaalala ko lang sa inyo na malaki ang pagkakapareho nito sa isang kong nobelang na-publish na. Pero una kong nagawa ang kuwento nina Christian at Andi. Nang ma-reject at di na tanggapin ng aking editor, i modified the story, nanghihinayang kasi ako sa mga eksena. Kaya nabuo ang Bad CAse of Loving You. If you still want to read the rest of the story, paki-message na lang ako. i'll tell mhelai about it para send na lgn niya sa inyo ung buong kuwento. masyado kasing mahaba kung itutuloy-tuloy ko rito. Enjoy..

..............cont.

CHAPTER 2

“AY, KABAYO!” Pinalo ni Andi ng hawak folder ang nakatatandang kapatid na gumulat sa kanya. “Ano ka ba, Kuya?”

“Masyado ka kasing seryoso sa pagtatrabaho. Easy ka lang. Teka, kumain ka na ba?”

“Mamaya na.” Muli niyang ibinalik ang mga mata sa binabasang business report. “Tatapusin ko lang ito.”

“Ang sabi ng sekretarya mo, kaninang tanghali ka pa hindi kumakain. Anong oras na ngayon? Mag-uuwian na lang hindi ka pa nanananghalian. Sisantehin na kaya kita?”

“You can’t do that.” She adjusted her eyeglasses and continued reading. “Babagsak ang kumpanyang ito kapag nawala ako. I made sure of that, my dear Kuya Nathan.”

“Why am I not surprise.”

She took off her eyeglasses and turned to her brother. Mukhang sumulpot lang ito sa opisina niya upang makipag-asaran sa kanya. Kunsabagay, ganon naman silang magkapatid. Paraan na nila iyon upang kahit paano ay maibsan ang maghapong tensyon sa trabaho.

Mula nang maka-graduate siya ng college ay nanatili na siya sa kumpanya ng kanilang pamilya. Tinulungan niya ang kuya niyang magpatakbo niyon lalo pa nga at nagkaroon na ito ng sariling pamilya. She was her brother’s ultimate sidekick when it comes to business. Iyon naman talaga ang nais niya.

Noong nasa highschool pa lang siya ay lagi na siyang sakit ng ulo nito. Palibhasa ay spoiled siya sa mga magulang. But when their parents died, nakita niya ang pagseseryoso pang lalo ng kuya niya upang mahawakan nang maayos ang negosyong naiwan sa kanila. Kaya ngayon, sa abot ng kanyang makakaya ay ginagawa niya ang lahat upang matulungan ito. Her brother was happy with his wife and children now.

“Nagsisisi kang nagkaroon ka ng kapatid na pang-world record ang kasipagan? Sabihin mo lang at madali naman akong kausap.”

“Sige, sisante ka na.”

“Manigas ka, Kuya. Co-owner kaya ako ng kumpanya nating ito.” Binugahan niya ng hininga ang salaming pang-mata saka ito binigyan ng eksaheradong ngiti.

“Baliw ka talaga.”

“Siyempre, manang-mana ako sa iyo, eh.”

“Oy, mahiya ka nga. Kapatid lang kita at hindi anak, ‘no? At kahit ang mga anak ko, walang gaya mo na pumapalya ang katinuan. Oh, thank God for that. Kung hindi, baka natuyuan na ako ng dugo.”

“I’m so proud of you, Kuya.”

Napakunot na lang ang noo nito. “Mag-asawa ka na nga. Para mawalan na ako ng sakit ng ulo.”

“Hindi pa ipinapanganak ang lalaking magugustuhan ko.”

“At anong ibig mong sabihin? Na kung kailan uugud-ugod ka na ay saka pa lang iluluwal sa mundo ang lalaking pakakasalan mo? Kulang ang kasong child molestation sa iyo, Andi.”

“Yeah, yeah,” sang-ayon na lang niya para matapos na ang usapan. “Hindi ka pa ba uuwi, Kuya?”

“I’m on my way home.” Inayos na nito ang dalang attache case. Tapos na ang ‘session’ nila para sa araw na iyon. “Dinaanan lang talaga kita para i-bully.” Inagaw nito sa kanya ang mga binabasa niya nito. “Tama na iyan. Hindi nga makakapag-function nang maayos ang kumpanya kung wala ka. That’s why I’m making sure na buhay ka pa rin bukas. Kumain ka na, Maria Alexander.”

“Fine.”

Binuksan niya ang drawer at humugot ng isang pakete ng crackers na itinatago niya roon, just in case na magutom nga siya at hindi makakalabas agad. She picked up a piece and stuffed it in her mouth.

“Satisfied?”

Napabuntunghininga na lang ito saka napailing. “Huwag ka ngang magsasalita kung may laman iyang bibig mo.”

Muli siyang kumagat ng cracker. Hindi na tuloy maipinta ang mukha nito. Her brother was a perfectionist. Ayaw na ayaw nitong makakakita ng mali lalo na sa mga taong nakapaligid dito. At siya ang laging target ng pagiging metikuloso nito dahil sa mga kalokohan niya nang mga panahong nasa rebellion stage pa siya ng kanyang buhay. Nagbago lang ito nang makilala at ma-inlove sa asawa nitong nuknukan naman ng gulo sa buhay.

Kunsabagay, hindi lang naman ito ang nagbago. Siya man ay naging seryoso na sa pakikiharap sa buhay. ‘Yun nga lang, paminsan-minsan ay tinatamaan pa rin siya ng kalokohan.

“You really ought to start dating again, Andi.”

“You know I don’t date, Kuya.”

“Well, its high time you should. You’re not getting any younger. Itigil mo na iyang picket mo laban sa mga lalaki at baka maunahan ka pa ng mga pamangkin mo na makapag-asawa.”

“Ang OA mo talaga kahit kailan, Kuya. But no, thanks. Mas gugustuhin ko pang maging single na lang kaysa magkaroon pa ako ng sakit ng ulong hindi ko naman kailangan. Men are stupid.” Nilingon niya ito. “No offense meant.”

“None taken.”

She leaned back against her seat and stretched out. “Wala namang kaso sa akin ang makipag-date. Nakita mo naman noon ang lagi kong paglabas kasama ang mga lalaking ipinakikilala mo at mga nakikilala ko. Ang problema lang, lahat sila ay may mga diperensiya sa sarili.”

“I thought George was fine.”

“He was. Until his other two girlfriends showed up.” Hinilot niya ang sintido nang maalala ang huling naka-date bago siya nag-give up na sa mga lalaki. “God! I can’t believe I even thought of going out with him again. Hay naku, pasalamat siya at hindi ako nakakita ng bareta kundi ay sinabon ko na siya.”

“Andi, no matter how much I hated to admit it, its in men’s nature to be stupid. Kahit gaano man katino itong kuya mo, may lalabas at lalabas pa ring gago sa mga kabaro namin. Nagbabago lang sila kapag nakakita na sila ng babaeng pag-aaksayahan nila ng panahon na magbago. At nasa diskarte iyon ng mga babae kung paano sila makakakuha ng lalaking willing magbago para sa kanila.”

“Tinatamad akong dumiskarte, eh. Kaya dito na lang ako sa isang tabi. Sawang-sawa na talaga akong makipag-deal sa kanila.”

“So, ganyan ka na lang?”

“Magpasalamat ka pa nga dapat, Kuya, dahil mas masaya ngayon ang sister mo. Bukod diyan, wala kang kahati sa oras ko at buong-buo ko iyong naibibigay sa pagpapatakbo nitong negosyo natin.” She gave him her sweetest smile. “Di ba?”

“Don’t tell me, wala kang balak mag-asawa.”

“Ewan ko. Baka wala na.” Bumuntunhininga siya saka nagpangalumbaba. “I miss Christian.”

“Christian who? Akala ko ba tapos ka na sa mga lalaki?”

“E, hindi naman lalaki si Christian, ‘no?”

Saglit itong natigilan. “Ah, yung kapatid ba ni Sam ang tinutukoy mo?”

“Yup.” Muli siyang bumuntunghininga. “I wish we could have our friendship back. Ang saya niyang kasama at kahit siguro isang daang matitinong lalaki pa ang iharap sa akin, hinding-hindi ko siya ipagpapapalit.”

“I see…”

“I know he’s kinda gay and all. Pero mas mabuti nga iyon. Ikaw na rin ang nagsabi na ang mga totoong lalaki ay puro gago. No offense.”

Nagkibit lang din ito ng balikat bilang kasagutan.

Nangingiti na lang siya sa tuwing maaalala ang mga kalokohan nila noon ng dating kaibigan. Hindi nga ba’t sila pa ang naging dahilan kung bakit nagkatuluyan ang ate nitong si Sam at ang kuya niya? Kaya lang bigla na lang itong nagbago pagkatapos na magkasundo ang mga nakatatanda nilang kapatid. Hindi na siya nito kinausap pa hanggang sa malaman na lang niyang nakaalis na pala ito patungong Australia kung saan naninirahan ang panganay nitong kapatid para magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Sumama rin ang loob niya noon kaya pinilit na lang niyang kalimutan ito at ibinuhos ang buong atensyon niya sa pag-aaral.

“Do you think he’s still suffering from a bad case of identity crisis until now, Kuya?”

“Temporary lang ang identity crisis at nangyayari lang iyon kapag nagdadalaga o nagbibinata na ang mga tao. But eventually, nalalaman din nila kung ano talaga ang papel nila sa mundo.”

“Kung ganon puwedeng maging straight si Christian at puwede rin tuluyan siyang maging bading.” Tinapik-tapik niya ang mga daliri sa kanyang table habang naglalakbay ang isip. “I think I prefer my old friend. ‘Yung Christian na makulit na baklita.”

“Ah, Andi. He could be a realy guy by now—“

“Alam ko. Sa itsurang iyon ni Christian, I’m sure hindi na siguro mabibilang ang mga babae niya kung sakaling naging ‘straight’ na siya ngayon.”

“Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo? Ang maging tunay siyang lalaki?”

“Oo. Pero kung marami naman akong kaagaw sa kanya, mas gugustuhin ko pang nagsa-suffer pa rin siya ng identity crisis hanggang ngayon. At least alam kong ako lang ang magiging babae sa buhay niya at siya lang ang magiging lalaki sa buhay ko.”

“Okay…” tila napipilitan lang na sang-ayon nito.

“Marami na akong nakilalang gagong lalaki. And I don’t want anything to dow with them anymore. Men just couldn’t stay attracted to one woman for a long time. That’s science.”

“Men can love their wives for the rest of their lives. That’s a fact. At hindi mo iyon malalaman unless hayaan mo ang sarili mong hanapin ang lalaki para sa iyo. Tiyempuhan lang talaga iyan.”

“I still prefer Christian. Sa pagtanda ng mag-asawa, nawawala ang love. Sa huli ay companionship na lang ang dahilan kung bakit sila nananatiling magkasama. Which was fine with me.”

Tinitigan siya nito. At sa unang pagkakataon, tila sineryoso nito ang mga sinabi niya. He even looked concerned.

“What?” untag niya.

“I want you to fall inlove.”

Malakas siyang natawa. “Kuya, ang corny mo! Para lang iyon sa mga hopeless romantic.”

“At ikaw ay hopeless lang.”

“Sounds fair enough.” Tinapik-tapik pa niya ang hawak na ballpen sa kabilang kamay. “Ano kaya ang itsura ni Christian ngayon? Kuya, may balita kaya si Ate Sam tungkol kay Christian?”

Saglit itong nag-isip at pagkatapos ay nagkibit na lang ng balikat. “Mauna na nga ako sa iyo bago pa ako mahawa sa kawalan mo ng pag-asa. Hinihintay na ako ni Ate Sam mo. At ikaw, umuwi ka na rin para makapagpahinga. May bukas pa para tapusin ang mga trabahong iyan.”

“Opo.” Nilaro-laro niya sa daliri ang salaming pang-mata. “Kuya, sa tingin mo bakit hindi pa rin bumabalik dito si Christian mula nang umalis siya ng bansa?”

“Ha? E…ewan ko. Siguro.”

“Bading pa rin kaya si Christian hanggang ngayon?”

“Bakit biglang-bigla naman yata ang pagkakaroon mo ng interes tungkol sa kanya?”

“Wala naman. Ngayon ko lang kasi naisip na matagal na rin kaming walang communication. Hindi nga maganda ang naging paghihiwalay namin noon. Pero kahit paano naman ay naging magkaibigan kami, di ba? So, dapat ay may alam pa rin kami sa isa’t isa.”

“And whose fault is it?”

Hindi siya makasagot. Ayaw niyang sisihin ang sarili dahil wala naman talaga siyang alam na kasalanan kung bakit bigla na lang itong nanlamig sa kanya noon. Ayaw din naman niyang isisi iyon kay Christian since hindi naman talaga niya alam kung ano ang dahilan ng biglaan nitong paglayo.

Sana nga lalamya-lamya pa rin si Christian hanggang ngayon, ano, Kuya? Para mas madali akong makalapit sa kanya kapag maisipan niyang bumalik pa rito.”

“Andi, ikaw na rin ang laging nagdidiin noon na identity crisis lang ang dahilan kung bakit ganon kumilos si Christian noon. Bakit imbes na positibong pagkatao niya ang hilingin mo ay kung ano-ano pa ang iniisip mo riyan?”

Nagkibit lang siya ng balikat. Ano nga kaya ang mangyayari kung sakaling nagbago ito at naging tunay na lalaki pagbalik ng bansa? Guwapo pa rin nga kaya ito? Makikilala pa kaya siya nito? Maibalik pa kaya nila ang dating pagkakaibigan kung sakali?

Napabuntunghininga na lang ito. “Oo nga pala, Andi. Nakakuha ng vacation leave ang Ate Sam mo sa trabaho niya kaya isang linggo kaming magbabakasyon ng mga bata sa Palawan.”

“Puwedeng sumama?”

“Sige, basta ikaw ang magbabantay sa mga pamangkin mo.”

Napasimangot na lang siya. “Gagawin mo pa akong yaya. Huwag na lang.”

“Kung ganon doon ka na muna sa bahay namin tumigil Wala kasing ta-tao roon dahil isasama rin namin ang dalawang katulong para makapagbakasyon na rin sila.”

“Okay lang.” Tutal naman mas malapit ang bahay ng mga ito sa opisina nila. Mas magiging madali ang biyahe niya. “Kailan ba ang alis ninyo?”

“This coming Saturday.”

“I have a business meeting this Saturday at siguradong aabutin na naman iyon ng gabi. Okay lang ba na hindi ko na kayo mami-meet pa bago umalis?”

“Okay lang. We’ll just leave the key to our next door neighbor. You still remember Jersey, right? ‘Yung isa pang kalahi mong makulit.”

“Of course. Kumusta na nga pala iyon?”

“She’s still wrecking havoc in our village. At nakahanap pa ng kakampi.” Iiling-iling na lang itong napalatak. “Kayo ang mga babaeng itinatali na dapat ng mga lalaki para hindi na nanggugulo pa ng buhay ng may buhay.”

“Correction, Kuya. Kami ang dapat na tinutularan ng mga babae sa mundong ito.”

“Yeah, right.” Nagtungo na ito sa pinto. “Hindi naman sa pagmamayabang pero sa tingin ko ay nasa village na namin ang karamihan sa mga matitinong lalaking natitira sa mundong ito. Sana makakita ka na roon.” Mataman siya nitong pinagmasdan. “Hindi na talaga magbabago ang isip mo tungkol kay Christian?”

That she still want her old friend? “Hindi na magbabago ang isip ko.”

This Girl's Inlove With You, Pare (prt2)

by Sonia Francesca


BASICALLY, DOON nag-umpisa ang pagkakaibigan nila ni Christian. Nang mabigo ito kay Derek dahil may girlfriend na nga ang lalaki ay sa kanya ito ngumawa. Pero hindi rin naman doon natapos ang pagkakaibigan nila. Hanggang sa makasanayan na nila ang kabaliwan ng bawat isa na halos magkasama na sila sa lahat ng gagawin ng isa’t isa. Lalo pang tumibay ang friendship nila nang ireto nila ang kani-kanilang nakatatandang kapatid. Her brother Nathan and his sister Sam. Magkaaway ang mga ito subalit dahil sa mga magkasanib na puwersa ng kalokohan nila ni Christian ay nagkasundo ang mga ito. And hopefully, magka-ibigan din sa huli.

“Sino iyon?”

“Si Miguel. Nanliligaw.”

Hinila na ni Andi si Christian papasok sa kanilang bahay nang misang dumalaw ito sa bahay nila. Sa kusina niya ito dinala.

“Kumusta na si Ate Sam?” tanong niya. “Inlove na ba siya sa Kuya ko?”

“Ewan ko.” kunot-noo itong napatitig sa kanya. “Are you wearing make-up?”

“Bagay ba? Sabi ni Miguel, ang ganda-ganda ko raw.”

“Para kang sira. Gusto mo bang masira ang mukha mo? Alisin mo iyan.”

Binalewala lang niya ito. “I know I’m pretty with make-up.”

“Naniwala ka naman agad sa Miguel na iyon? Teka, bakit ngayon ko lang yata siya nakita dito sa inyo?”

“Ewan.” Kainis talaga ang lukaret na ito. Minsan na nga lang siya mapupuri, inuusog pa nito. Hiniwa na lang niya ang cake sa table. “Ipinakilala siya sa akin ni Kuya noong nakaraang araw. Tapos, ngayon na lang siyang dumating dito, with matching flowers and chocolates.” Binigyan niya ito ng isang piraso. “And cake.”

“Sa kanya galing ang cake na ito?”

“Yup. Mukhang masarap.”

Inilayo lang nito ang platito. “Baka may gayuma iyan. Hindi ko pa naman siya type. Bakit ka niya nililigawan?”

“Bakit ang dami mong tanong?”

Hindi ito sumagot at hindi rin nawala ang pagkakanot ng noo nito. What’s with him? Iba yata ang mood nito ngayon.

“I don’t trust him,” anito maya-maya.

“And since when did you start criticizing handsome men?”

“Since you started letting handsome men into your house. Hindi ka dapat nagtitiwala agad. Paano kung snatcher pala iyon? Ang hirap kasi sa iyo, por que guwapo, mabait na agad ang tingin mo.”

“What?” Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Nasaktan na kasi siya sa sinabi nito. “For your information, matino po si Miguel. Kapatid siya ng kapitbahay ni Kuya Nathan sa village nila. At si Kuya mismo ang nagpakilala sa kanya sa akin. Kaya huwag mong sasabihin na guwapo lang siya kaya ako mabait sa kanya.”

Nawalan na sila ng imikan pagkatapos niyon. Ilang araw na niyang napapansin na tila laging mainit ang ulo nito at hindi na ito palakibo. And everytime she would caught him looking at her, he would just looked away without saying anything. Pinalalagpas na lang niya iyon dahil baka nga naman wala lang talaga ito sa mood na makipagbiruan sa kanya. Batid din naman kasi niya ang sariling kakulitan na kahit ang kuya niya at mga magulang ay sumusuko na. Pero ngayon, wala talaga siya sa mood na pagbigyan ang kapritso nito. Inaasahan niyang ito naman ang magbibigay. Ngunit imbes na aluin siya, basta na lang ito nagpaalam.

Nanggigigil niyang nilantakan ang cake kahit na nga ni hindi na niya malasahan iyon. Type ba nito si Miguel? Kung ganon nagsalita na lang sana ito agad at pagbibigyan naman niya ito. Tutal naman wala siyang gusto rito dahil mas may alam pa ito sa blending ng make-up kaysa sa kanya.

Nagmamaktol pa rin siya nang dumating ang kanyang Kuya Nathan.

“Sina Mama?” tanong nito pagpasok sa kusina.

“Sinamahan si Papa sa business conference nila sa Davao. Next week pa sila uuwi. Bakit nandito ka?”

“Masama bang dumalaw? Dito naman ako nakatira noon, ah.” Naupo sa puwestong iniwan ni Christian. “Nakasalubong ko ‘yung kapatid ni Sam sa labas. Galing siya rito?”

“Oo.” Padabog niyang nilantakan ang cake sa platito.

“Himala. Wala kayong sariling conference?”

“Wala.”

“Hindi yata maganda ang araw ninyo ngayon. Ganyan din kasama ang itsura ni Christian nang makita ko siya sa labas. Anong problema ninyo?”

“Siya lang ang may problema. Nakita lang niya si Miguel na galing dito, nagsungit na.”

Tila naging interesante ito sa sinabi niya. “Baka naman nagselos.”

“Oo, dahil hindi siya ang niligawan.”

“No, I mean, nagselos siya dahil may iba ng nanliligaw sa iyo.”

“Bakit naman siya magseselos e bading iyon?”

“Kaya mo ng sagutin iyang tanong mo.” Inagaw nito sa kanya ang tinidor at nakikain ng cake. “Siyanga pala. Ayoko ng makikialam pa kayo ni Christian sa amin ng ate niya. Masyado kayong panggulo. Kapag nalaman kong may ginawa pa kayong kalokohan, pagbubuhulin ko na talaga kayo.”

“Si Christian ang pagsabihan mo dahil siya ang maraming kaartehan sa katawan.”

Sa isang salita, mula nang araw na naghiwalay sila ng kaibigan ay hindi na sila nito nagkaroon ng pagkakataong magkausap uli gaya ng dati. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niyang maunang lumapit dito upang humingi ng sorry. Wala sa karakter niya ang umamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa. She missed him, though. Hindi na rin kasi ito nagpapakita sa kanya at kung nagkikita man sila, nauuna na itong umiiwas. Siya naman, sa sobrang inis ay iniiwasan na rin ito sa tuwing nakikita ito.

Mabuti na lang at lagi niyang kasama si Miguel na patuloy na nanliligaw kaya hindi na rin siya napapahiya sa sarili kung sakaling hindi siya pansinin ni Christian. Ngunit hindi rin niya maikakaila na nami-miss na niya ito. at sa huli ay napalitan na ng pangungulila ang pagkainis niya rito. So, three days before his graduation, she finally decided to just forget her pride for a while and went on to visit him. Tutal ay may seryoso siyang dahilan ng pagpunta sa bahay nito. Kung pagsusungitan pa rin siya nito, e di magsusungit na lang din siya. Para quits na lang sila.

Pero hindi niya inaasahan ang maaabutang balita sa bahay ng pamilya nito. Ang ate nitong si Sam ang nakausap niya.

“Nakaalis na si Christian papuntang Australia kahapon. Nauna na niyang kinuha ang diploma niya dahil hindi na siya makaka-attend ng graduation niya. Ewan ko nga rin kung bakit hindi na niya hinintay na maka-graduate na muna bago umalis. Hindi mo ba alam?”

“H-hindi, eh…”

“Pero ang sabi niya nakapagpaalam na raw siya sa iyo.”

Obviously, kinalimutan na siya ng kaibigan. On her own graduation day, she went to get her diploma with a heavy heart. Nang kantahin nila gradution theme na If We Hold On Together, napaiyak siya dahil ang inakala niyang pinakamasayang araw sa highschool life niya ay magiging isa sa pinakamalungkot. Because her bestfriend had left without saying goodbye.

Because her best guy left without knowing he was the best thing that ever happened to her....

Thursday, September 27, 2007

Isang pagbabalik sa aking sintang paaralan.


Isang pagbabalik sa aking sintang paaralan. Sabi ko, ayoko nang tumapak sa PUP ever. Sabi ko, kung mag-aaral ulit ako, sa ibang school na ako. Basta ayoko na sa PUP. Aba! Sino ang mag-aakala na babalik pa ako ng PUP? At dahil lang sa cosplay.

Alam naman ng lahat na isa akong adiktus sa cosplay. Nang malaman ko na sa PUP ang venue ng susunod na event, go agad ako with the rest of pranings. Pati sila Maymay at Preski na mga nilulumot na sa PUP ay naki-join din. Ang totoo, mas gusto ko talagang pumunta don para kay Rei at nang makita niya ang kanyang fafaness. Inspired kasi ako sa babaeng ito na para sa pag-ibig ay susugal talaga. Lumuwas galing sa Tarlac para makita si Marky. Sus!

Usapan namin 11am sa Farmers. pero dahil naligaw sina Rei at Mae, anong petsa na kami umalis. Inip ever kami nila Ate Bham at Chiharu. Tapos naghihintay pa sa amin sina Gie Ann at Marz sa PUP. Nang dumating kami... around 1pm na. Nagkita na lang kami ni Ma. Eleda May Dalisay sa may gate. then tumuloy kami sa library para makita na ni Rei ang kanyang irog. kaso ang hina ng manok. Masyado daw na-starstruck.



Papunta na kami sa mga cosplayers nang umulan. nagkasya kaming magpa-picture sa kanila sa may East Wing. naggitgitan kami don pero super pictorial pa rin. tapos habang busy kami sa kapi-picture, isang nilalang ang lumapit sa akin. Si Sakura daw siya, isa sa reader ko na nakakausap ko sa forum. Kalokah! Tanungin ba kung ako si Sonia Francesca? Ang layo kaya ng itsura namin ng lola ko!





Sa huli, nag-enjoy naman kami dahil sa live bands na inokray namin ang iba. Then dumating din ang aking pettoness na si Myco. Supladong bata talaga. All in all, masayang magbalik sa aking sintang paaralan. Sana makabalik ulit ako sa PUP para sa cosplay. PUP Mabuhay ka!!!


Para sa ibang pictures, ito po ang link: http://s176.photobucket.com/albums/w161/sofiajade/PUPCON/

IMPRESSION... ok, nagkamali lang, tao lang

By: Sheena Rose

Ang article na ito ay tungkol sa dalawa sa tatlong pinakapaborito n’yong celebrity sa whole wide universe (kunwari lang). Sino pa ba kundi sina Sonia at Sofia. (In case nagtataka kayo kung sino ang pangatlo, ako ‘yun. Kunwari nga lang.)

2004 nang masalta ako sa Precious. Nagkaroon ako ng chance na ma-encounter sina Sonia at Sofia, if I’m not mistaken, 2005 na. Magkasama silang dalawa. (Noon, kapag hindi sabay dumating sina Sonia at Sofia sa Precious, isang kataka-takang event iyon. Tinagurian namin silang kambal.) Si Sofia lang talaga ang natandaan ko sa kanilang dalawa dahil, well, siya lang ang nagsasalita. Si Sonia, nakaupo lang sa couch.

Ang una kong napansin kay Sofia ay ang bilis niyang magsalita, hindi ko kayang habulin. Dahil hindi kayang i-process ng utak ko lahat ng sinasabi niya, patangu-tango na lang ako habang iniisip, Parang ka-close niya lahat ng tao dito kahit ngayon lang niya nakausap. Ganoon ka-friendly si Sofia. Kahit hindi ka pa niya masyadong kilala, ikukuwento niya sa iyo ang latest trip niya sa Sagada. Second time na nagkita kami sa publication, nalaman ko na kung ano ang school niya, work experiences, may fascination siya sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Japan, et cetera. Take note, hindi pa niya alam name ko (o nakalimutan yata niya).

Si Sonia naman, ilang months pa bago ako may natatandaan na nagkausap kami ng mahaba-haba. She found out na may lalabas akong series (The Sweet Refuge) at tinanong niya ako kung independent series ba ito. I told her, “no, under PHR imprint.” Pero siyempre, Tagalog. Ha, ha! Nabanggit sa akin si Sonia na may lalabas rin siyang series, her first, I think. Siyempre, alam na alam n’yo ang Billionaire Boys Club batch 1. Nalaman ko na friendly rin naman pala si Sonia, basta ‘wag mo lang ie-expect na kakausapin ka niya dahil wala lang, gusto lang niyang magsalita.

April 2005 nang pare-pareho kaming pumirma ng contract sa Precious so wala kaming choice kundi magkita-kita sa publication kapag Saturday. Natuklasan ko ang mga hilig nila. Unang-una na doon ang anime, Asianovelas, series ni Arielle, shows sa ABS. Medyo nagkakasabay-sabay na rin kaming umuwi kaya mas nakilala ko pa sila. Dati, naglilibrehan pa kami sa pamasahe. Pero kinalaunan, KKB na palagi. Wala, eh, mahirap ang buhay.

Katagalan, nagkaroon ng mga changes. Si Sonia, medyo makuwento na. Siguro, ganoon talaga siya. Kailangan, kilalang-kilala na niya ang isang tao bago siya makapag-open up dito. Si Sofia, naging fasyonista Hinding-hindi ko makakalimutan ang bandanna na palagi niyang itinatali sa ulo niya. Nasaan na ba iyon, Sofia? Ba’t di mo na ginagamit? And then there was a time na palagi siyang naka-skirt (nakakainggit!) Denim, bubble, floral, name it, she have it. Iba pang mga bagay na na-associate ko kay Sofia: Starbucks, Quiapo, Princess Hours. Si Sonia, mas natatandaan ko sa mga shoes and sandals na isinusuot niya. And then her hair, perpetually short. Naa-associate ko naman siya sa… ahm, Marikina? He, he. Wala akong maisip, eh. Ah, alam ko na! SOCO at clothing brand na Genevieve Gozum. There.

Siya, puputulin ko na ito at baka mabato na ako ni Sonia at Sofia sa mga pinagsasasabi ko. Ciao!